Pinoy Big Brother

Wednesday, October 26, 2005

Chx Alcala at Sam Milby, 'di raw nag-sex sa 'Bahay ni Kuya'!

By Jojo Gabinete from his column "The Source"
http://www.abante.com.ph/issue/oct2605/main.htm

TULAD ng ibang housemates ng Pinoy Big Brother, gustong mag-artista ni Chx Alcala at kung mabibigyan ng pagkakataon, gumanap ng character roles ang pangarap niya.

Pang-showbiz si Chx dahil articulate ito at dahil baguhan, hindi uso sa kanya ang salitang off the record at hindi pa siya marunong mag-deny. Inamin ni Chx na nude pictures niya ang kumakalat sa Internet at mga cellphone. Posibleng kumalat daw ang mga sexy photo nang maiwan niya sa taxi ang kanyang cellphone.

Ayon kay Chx, bilib siya sa nakapulot sa cellphone niya dahil nabuksan nito ang coded folder ng kanyang telepono na kinalalagyan ng nude photos. Ikatuwa kaya ni Chx ang balita na marami ang humihingi at naghahanap ng kanyang mga litrato?

Hindi pa sanay si Chx na humarap sa entertainment press kaya napaiyak siya sa sunud-sunod na tanong ng mga reporter tungkol sa kanyang personal na buhay. At dahil honest, sinagot niya ang lahat ng mga nakaririnding tanong sa kanya.

Aware siya na marami ang galit sa kanya dahil sa pagiging liberated niya pero "she can’t please everybody".

Pinanindigan ni Chx na walang nangyari sa kanila ni Sam Milby nang magkasabay silang maligo pagkatapos ng live concert nila sa PBB noong Biyernes.

"I will wait for you," ang pangako na binitiwan ni Chx kay Sam nang lumabas siya sa bahay ng PBB.

Sa mga kasama niya sa PBB, sina Jason Gainza at Jennivev Tamayo aka Nene ang gustong manalo ni Chx dahil likas ang kabaitan ng dalawa. Mababaw ang luha ni Chx dahil muli itong napaluha nang mapanood ang kanyang eviction mula sa PBB house noong Sabado.

1 Comments:

At 3:31 PM, Blogger My Little Brown Bag said...

Well zyrelle hindi na naman pinapansin ni Sam si Chx. So Sa tingin ko wala na ang Sam-Chx love story.

 

Post a Comment

<< Home