Pinoy Big Brother

Sunday, October 23, 2005

THE BUZZ – CHX AND LOVE INTERVIEW

KRIS: Ikaw na magpakilala sa kanila (to Cristy)
CRISTY: Oo, siyempre mga kaibigan…ang tinatawag niyang love, si Love…Good afternoon, Love
LOVE: Hi…Good afternoon
CRISTY: bakit naman Love, love…naaasiwa ako
KRIS: Is that your screen name??..o use your mic
LOVE: It’s Love talaga po
KRIS: Love what?
LOVE: Love Thadani
KRIS: Spell it.
LOVE: L-O-V-E T-H-A-D-A-N-I
CRISTY: Ok…so yun na talaga ang tawagan niyo…love na talaga?
CHX: We call each other babe po…babe po
CRISTY: Nag-iba sila
KRIS: y not?
CRISTY: oo nga naman kaysa naman sa puro love eh….honey, babe diba?
KRIS: 7 years??
LOVE: yup, 7 years
KRIS: O, bakit kayo nag-break?
CHX: Nung October 19…7 years na kami
KRIS: pero?...what happened?
CHX: ahhmm before pa..
KRIS: OK let him talk first..his version
CRISTY: ok nung pumasok si chx sa bahay ni kuya…wala kayo non? Break kayo?
KRIS: Cool-off?
LOVE: Semi cool-off lang
CRISTY: bakit?
KRIS: semi cool-off…bago yun..ok…bakit semi cool-off?
LOVE: Semi cool-off it means that hindi kami
CRISTY: No commitments?
LOVE: no commitments but everything remains the same pa rin…we still consider the monthsaries..the anniversaries
KRIS: Hindi ko ma-gets
CRISTY: Hindi sila mag-on pero nagma-monthsary sila…gayahin natin yun
KRIS: sige try ko
CRISTY: So kagabi..hinalikan niya si Sam diba?..nag goodbye siya kay Sam..Ano na-feel mo?
KRIS: Gusto mo upakan si Sam?
LOVE: Ya
CRISTY: Naku marami magagalit sayo
LOVE: Actually hindi ako seloso but that part I did…I just felt na that was wrong at nagselos talag ako.
KRIS: Ano yung wrong?..What was wrong? Wrong yung ginawa niya? (referring to chx)
LOVE: Oo yung ginawa niya
KRIS: hala ka!
CRISTY: Siya ang humalik kay Sam diba? Siya ang nag-goodbye
LOVE: Oo
CRISTY: o bakit mo uupakan si Sam?
LOVE: Kasi…kaya nga kahit na I wanna hit him..stuff like that…I just think it’s wrong to blame the guy kasi I saw…
KRIS: Na siya(Chx) ang nag-approach?
CRISTY: at di rin niya sasapakin…di naman siya papapasukin sa bahy ni kuya
KRIS: Bakit mo naman ginawa? (to Chx)
CHX: Kasi before that…tong week kasi na ito..parang…yung na-nominate nga ako nafi-feel ko na ako na po…I have this intuition na..
CRISTY: Sinasabi mo nga lagi eh
CHX: Oo sinasabi ko nga lagi…kumbaga hinahanda ko na yung mga housemates ko
KRIS: And of course yung sarili mo
CHX: opo yung sarili ko rin
CRISTY: At nag-eempake na siya
CHX: oo nga nag-eempake na ako..kasi for 2 months naman eh enough na yun na nakasama ako sila…yung mga sumosuporta sa Pinoy Big Brother na nakita nila ako don..nafi-feel ko na this is my time na na aalis na talaga ako kaya nagpa-paalam na ako.
KRIS: Cristy…tutal naman sinabi ni Bob na ikaw ang ayaw niya makasama dahil pakialemera ka sa buhay ng may buhay..tsismis…eh talagang gawin na natin yun..
CRISTY: Oo..paninindigan ko na
KRIS: makialam na tayo sa kanilang dalawa
CRISTY: Teka muna…ayaw ko din naman si Bob…kahit kelan naman eh si Uma ang gusto ko at si Jason…si Franzen..yung tatlo…sakin kasi si Franzen, kababayan ko sa Valenzuela, pangalawang tahanan…si Jason taga-Batangas…magaan ang dating…tapos si Uma..siya ang asim sa sinigang para sa akin…pagwala sa loob ng bahay si Uma…matabang kayong lahat.
KRIS: Ok..tanungin na natin sila…nagbalikan na kayo kagabi?
CHX: (laughs)
KRIS: Hindi na ano kinda sort of cool-off..ano?...semi cool-off?
CRISTY: Nagkabalikan na kayo, Love?
LOVE: Actually..nagkabalikan na kami yesterday but we have to talk for a couple of hours so…
CHX: Mahabang usapan po…kasi bale hindi ko po kasi alam na..ahhmm..he was always there during mga nominations, evictions..kasi nung pumasok ako bale naka set ang mind ko na alam ko na nadiyan siya pero di ko alam na always na nadiyan siya para sa akin and yung nandun ako siyempre I’m doing crazy things..and I know people hate me for that at nag-sorry po talaga ako…then siyempre pag nandun kasi kami... di ko na iniisip yung mga good things..mga bad things…siyempre me mga hinanakit ako tungkol sa kanya during yung relationship namin…kasi there’s no perfect relationship naman
CRISTY: Ok…at lahat ng naganap sa loob ng bahay ni kuya kagabi..natanggap mo na?..burado na?
LOVE: ya for me it’s completely wipe-out after we talked for a couple of hours I told her na I would like to get back pa rin and she said yes so we got back
KRIS: Sa kasalan na ba ito kasi 7 years na ang tagal na.
LOVE: 7 years..ya it sounds really long but then to get married right away sayang naman career niya so I’ll let her continue what she has u know….
KRIS: Supportive!
CRISTY: Siyempre ang aming kasamang Jobert Sucaldito eh marami ding gustong itanong kay Chx…
KRIS: Santo Niñong Jobert
CRISTY: Jobert?
JOBERT: Chx…ang tanong bat ganon ka ba daw talaga?? Mabilis ka magpalit ng boyfriend mula kay Rico tapos kay Sam tapos ang tanong pa nila kung ano ang reaction mo yung sinabi ni Rico na wala daw siyang gusto sayo?
KRIS: Tapos yung pictures…don’t forget.
CRISTY: Oo..nagkalat ang pictures sa internet…alam mo ba yun?...Nude photos!
KRIS: O yung first…mabilis magpalit ng boys?
CHX: Bale si Rico di naman kami naging mag-boyfriend dun sa loob…naging close lang ako kay Rico dahil pareho po kami ng family background…tsaka yung mga nangyari sa lovelife namin nagkukwentuhan kami kaya we got close..ahhmm broken ahh...
CRISTY: broken family..
CHX: Broken family din si Rico and si Rico kasi sweet siya sa lahat naman tapos kami rin lagi mag-partner parati…partners in crime dun sa bahay
KRIS: Ok..Sam?..Type mo?
CHX: Of course…si Sam naman…ahhmm ya I’m attracted to him and kasi super talented kasi si Sam eh..talented siya pero..
CRISTY: Tinitingnan ko lang si Love.. ano ba ito?..Tumitingin ako sa Love mo!
CHX: Ahh yun so yun
KRIS: Ano? Ano?
CHX: ah si Sam po siyempre yung una..
KRIS: Type mo? Crush mo? Cute eh
CHX: Aahh yeah
CRISTY: Siyempre naman Kris…sa isang mundo na iilan lang kayo..na ganon lang na kahon ang kinalalagyan ninyo…kung di ka naman na in love kay Sam talaga na lang.
KRIS: Kay Franzen ako
CRISTY: kay Franzen ka? Ikaw talaga!
KRIS: Iba taste ko….How about the pictures?
CRISTY: Yung nude photos?
CHX: Nude photos…di ko po siya nakikita…sabi sa akin papakita para malaman kung ako talaga yun or kung san galing or kung anong nangyari ba bakit meron nun…pero gusto ko po siyang makita.
KRIS: Nakita mo na ba, Love?
LOVE: Actually hindi ko pa nakita…what happened kasi is ahhh she has an old phone eventually she lost it…So..
KRIS: You have pictures in your phone na hubad ka?
CHX: Ahh wala po..wala po..
KRIS: eh sabi niya eh
CHX: wala po pero meron po akong mga sexy pictures
LOVE: mga sexy pictures lang
CHX: sexy pictures slang
CRISTY: di daw naman mukhang dinaya dahil kitang-kita daw pati yung sa gilid mo..ikaw daw talaga yun…agree ka ba dun, Love?
LOVE: Maybe..maybe it might not be true diba..I don’t know.. I haven’t seen it pa.
CRISTY: Ok
KRIS: Parang kay Love mukhang me namamagitan sa inyo (joking)
CRISTY: Nahihilasan nga ako!
KRIS: Thank you Chx…Thank you,Love..Thank you, Jobert!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home