Pinoy Big Brother

Monday, October 17, 2005

Ang PBB ba sulit ng inyong bente singko pesos?
Kung gusto ninyong maglustay ng pero siguro ko eh tama lang. Actually, mura nga lang cya for a memorabilia. Pero marami pa rin ang makapagsasabing ang paglilimbag ng magasin na eto ay parang walang silbi dahil alam na natin ang nilalaman nito. O sige, pagbigyan na natin ang mga taong gustong mangulekta ng mga bagay-bagay para sa kanilang iniidolo. Ang ganang akin lamang eh sana ay maging palimbagan eto ng mga detalyadong nangyari na hindi naipalabas sa TV.
Naway maging kapuri-puri ang susunod na paglilimbag.

Rating para sa magasin: ** of *****

Comment: Hilaw at medyo minadali. Marahil ay bigyan sana ng mga review ang mga performance ng bawat housemate kung sila ba ay naging pasaway o may higit na ginagawa sa Bahay ni Kuya. Wag lang po sana laging si Sam ang i-feature natin. Alam po natin na ma-itsura si Sam at mabenta sya (halata namang favorite etong Fil-Am na eto dahil sa galleries pa lang eh puno na ng pics nya kumpara sa mga ibang housemates na kasama nya). Hopefully, wala nang Say at JB loveteam sa susunod na paglabas dahil ang tambalang eto eh isang loveteam na maihahalintulad mo sa pagmamahalan ni Frankenstein at naging asawa nya.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home