Pinoy Big Brother

Sunday, September 25, 2005

ACT III - Big Brother Suspended!

Kris: kasalanan daw ata ni Rico yung kay Chx eh...masaydo daw na-frustrate sayo dahil nung natanggal ka...biglang dumating si Sam, nabigyan ng chance kaya sunggab...ano reaction mo dun?
Rico: Di naman po...di pa po ako ready sa isang relationship po kaya yung tingin ko sa mga housemates ko po talaga eh mga friends lang talaga.
Boy: May tanong ako sa inyong dalawa...ang na nano-nominate ba talaga para matanggal o mapalayas sa bahay ni kuya ay may kinalaman sa problematic na ugali?
JB: uhhmm...siguro po yun pong hindi nakakasundo.
Boy: yung hindi ka popular sa mga housemates?
JB: opo...si Rico naman po hindi naman po siya na-nominate
Boy: oo nga...di ka nga na-nominate pero muntik mo naman sunugin yung bahay.
Rico: tuliro pa po ako sa pag-ibig noong mga panahon na yun.
Cristy: may tanong lang ako kay JB...kasi di ko lang tinitinganan ang tv...tinututukan ko yan eh...nakikita ko don....naninibago ako sa pinapakita mo na ugali mo sa amin ngayon kasi sa loob medyo maypagka---ahhh---gagamitin ko yung salitang...
Boy: angas!
Kris: arogante!
Cristy: hambog...

Cristy...bakit ngayon biglang 360 degrees ka...ibang-iba ka
Kris: no, 180
lang tita Cristy
Cristy: ok

Direk: pwede bang tumulong sumagot diyan?...hindi kasi natin nare-realize na eh...unang-una ito si JB, bago namin ipasok sa bahay...siya yung free-spirited...itong tao na ito, sanay lumabas, sanay makihalubilo sa ibang tao...kung ikinulong mo ang isang tao ng isang buwan...iba yung epekto sa kanya eh, lumabas medyo yung frustration niya, yung galit niya lumabas sa pananalita niya but generally hindi siya ganong tao sa pagkakakilala namin sa kanya bago namin siya ipasok sa bahay...iba lang yung epekto nung makasama ang people you don't like....you can't force...
Kris: ito na nga yung sinasabing totoong buhay...ibalik natin dun sa isyung yun na sinasabi nila na wala daw maidudulot na maganda ito sa kultura ng pinoy pero ako, ang nakikita ko naman, kailangan matuto tayo....politics, at work, everywhere...marami tayong tao na hindi makakasundo, maramingmagkakasalungat ang opinion but we have to get along or kung hindi man natin i-like ang each other, dapat may respeto sa isa't isa at yun ang nakikita natin sa Big Brother.
Boy: Pero malaman yan...kasi pag nagsasabi ka kasi ng totoo, may nagkakagusto, may hindi nagkakagusto dahil ang totoo ay masakit...katulad ng sabi ni Kris..minsan makikita natin ang ating sarili sa mga housemates...

-----------------------------------------------------------

Boy: ano ang masasabi niyo...kayong tatlo (dyogi, jb and rico) sa bumabatikos sa...
Cristy: sa mga hindi pa bukas ang isip
Boy: ah ikaw Rico, mabilisan lamang
Rico: uhmm...bale
Kris: in other words, nagsisisi ka ba sa experience mo?
Rico: ah hindi po...naging masaya naman po ako sa loob dahil once in a lifetime nga yung Pinoy Big Brother tasaka wala naman po akong plano magpakita ng kalaswaan sa loob...bale kung ano po yung nakita ng mga tao sa loob ay yun po talaga ako.
Cristy: JB, sumosobra ba talaga ang inyong ginagawa ayon sa ibang tao?
JB: Ah...sa akin naman po, ang masasabi ko sa issue na yan...parental guidance naman po siya kaya yung mga magulang po dapat sila po talaga yung responsible and meron po talagang scenes na di po talaga para sa mga bata.
Boy/Cristy: Gabayan nila ang mga anak.
Kris: Jenny, naririnig mo kami?...si Kris ito...Jenny, kasi you were very open, nasaktan ang damdamin mo...diba you were very hurt sa mga....(sabay tingin kay dyogi)and i'm sure Direk na that is not your intention na makasakit ng damdamin ng pamilya o makawasak ng pagsasama...(balik kay jenny)ikaw ba ay may opinion na hindi maganda tungkol sa naging experience mo sa sa pinoy Bog Brother kasi demokrasya ito...you can express how you feel...
Jenny: Ang masasabi ko lang po...we're just real, wala po kaming malawa na ginawa sa loob...natural lang po sa tao yun atsaka kissing is no harm diba?...kaya pinapakita lang namin yung katotohanan...
Boy:depende sa halik, Jenny
Kris: I agree, Boy
Boy: kung ikaw ay committed at ibang halik ang makita siyempre ang sasabihin naming nanonood ay hindi tama.
Kris: harmful yan.
Boy: pero halik kaibigan lang namn, ok sa akin yun
Direk: I think jenny was referring to the Chx and Sam kiss kasi ito namang si Jenny at si Jason ay naghaharutan lang.
Boy: masyadong general lang ang dating ni Jenny baka mamaya ma-misconstrue tayo ng mga nanonood na kissing is ok.
Kris: Direk, may magbabago ba in the next 2½ months?...magto-tone down ba
sa damit?...mas mamomonitor ba natin ang lenguahe...yung "seduction seduction"
na eksena, tatanggalin mo ba yun? Direk: we will comply with MTRCB guidelines
pero as much as possible katotohanan pa rin ang papalabas namin.
Cristy: Direk, tingin mo ba handa na ang mga Pilipino sa programang ganito?
Direk: Hati sila...may naniniwalang kaya natin, may naniniwalang hindi, we
have a forum naman where we can talk about it...meron lang talagang katotohanan
na sa ibang tao ay mahirap tanggapin.


Boy: Direk, ganito lamang....isang nagyari sa loob ng bahay ni kuya ay ang pag-ibig na namuo between Say and JB...tanong, mali ba ang umibig sa bahay ni kuya?
Kris: at handa ba si JB na ma-fall out of love sa kanya si Say?

commercial break
---------------------------------------------------------------

Cristy: Direk may tanong ako...bakit sa mga teleserye pwedeng halikan bakit sa PBB di pwede?
Kris: oo nga naka-ilang kissing scene nga ako sa Hiram eh.
Direk: yun ang dapat ko pang intindihin ngayon noh...kasi ito yung sinasabi sa amin na mahirap tanggapin since it's a reality show...pag teleserye pwede dahil natatanggap ng mga tao...sa akin personally...di ko maintindihan yun eh
Kris: oo nga...sa mga Korean and taiwanese na teleserye...ay grabe laplapan talaga.
Direk: dito sa amin ang masasabi ko lang ay ang naghalikan ay si Say and JB at least may emotion of pagmamahal talaga.
Boy: yung tanong ko kanina bago mag-break?
Kris: kaya nag self-sensoring sila...sabi mo walang french-kissing.
Boy: ano ang pananaw mo na nakatagpo ka ng tunay na pag-ibig sa loob ng bahay ni kuya...ito ba ay tama?..mali??...JB?
Kris: and handa ba ang kalooban mo na baka makalimutan ka ni Say?
Cristy: at gaano kasakit ang magkahiwalay kayo ngayon?
JB: uhhmm...dun po sa part na yun wala po akong pinagsisisihan at na-in love po ako sa kanya...dun po sa part na kung lalayo yung loob niya sa akin, wag naman po sana pero bago po ako lumabas may dinner po kaming dalawa...nag.usap po kaming dalawa and we made a promise to each other...actually mas worried pa po siya kaysa sa akin.
Cristy: kasi nasa labas ka.
Boy: Bigyan mo rin siya ng assurance na di ka mahuhulog kahit kanino
Kris: direk, pasudan mo siya ng camera direk
Direk: masusubaybayan natin yan sa mga susunod na mga araw
JB: totoo po na maraming magagandang babae pero minsan ka lang makakahanap ng babaeg talagang mamahalin mo ng todo po.
Cristy: napakasarap naman non.

----------------------
The pictures and transcript were borrowed from ching of the ABS-CBN forum

0 Comments:

Post a Comment

<< Home