Pinoy Big Brother

Sunday, September 25, 2005

ACT I - JB Roasted

The interview was taken from the showbiz talk-show "The Buzz" of ABS-CBN the local producer of Pinoy Big Brother. JB Magsaysay answers spicy questions by showbiz authority Boy Abunda and Kris Aquino.

Boy: Welcome to the Buzz, JB. Magandang hapon. kamusta?
JB: Good afternoon din po.
Boy: ninenerbyos daw siya.
Kris: Bakit parang mas nicer siya ngayon? Im sorry ha, don't get mad at me.


--------------------
Boy: Anong naramdaman mo nung lumabas ka? Prang may nag-boo sayo.
JB: uhmm, nung una po syempre naramdaman ko po na...
Kris: They dont like you?
--------------------
JB: Opo. Siyempre naramdaman ko po na game po to, may mga crowd favorite po talaga, so, ok lang po yun.
Boy: you realized na may may gusto sayo at may ayaw sayo, pero yung mga napanood namin, halimbawa nung pagpasok ni Sam, may sinabi ka atang, correct me if i'm wrong na "babatuhin ko yun ng baso" at....
Kris: At least baso lang, right?..hindi frying pan.
Boy: Ano ba ito JB? totoo bang galit ka sa kanya? totoo bang insecure ka sa kanya?
Kris: Eh diba nga type niya si Say?
JB: Actually po, nagseselos po talaga ako.
Boy: bakit may nakita ka bang patititigan between Say and Sam?
JB: wala naman po pero nagselos lang po ako dahil...uhhmm...yun nga po mas gwapo sakin si Sam, mas matangkad po siya, siyempre po na-insecure ako.
Kris: JB, sorry ha, i hate to be the devil's advocate pero yung kantang pinili niya yung 'stay' eh may line dun na "we only have one shot at destiny", ngayon na wala ka na, i'm sorry ha pero feeling ko talaga susunggaban niya talaga si Say.
Boy: How do you feel about it na wala ka na sa bahay ni kuya, hindi ka ba natatakot na maagaw ni Sam si Say?
JB: uhhmm...actually po sabi ko nga na mas may itsura siya kesa sakin and sobrang bait po talaga ni Sam, nung nakilala ko siya this week, mabait po talaga siya..
Boy: So mas lalong natatkot ka?
JB: Opo, kasi di po malayo na mahulog ang loob ni Say sa kanya pero...
Boy: thank you for being so honest...go ahead...go ahead..
JB: pero po...uhhmm...kilala ko rin po si Say dahil 1 month naman po kami magkasama dun sa house, so....
Boy: pag na-nominate si Sam, spend a lot of your money, mag-text ka para mapaalis siya.
Kris: di talaga, Boy..eh 1 month lang sila...eh si Sam me 2½ months pa.
Boy: ang assumption niyan kris is if he stays, sabi ko nga pag na-nominate si Sam, spend all your money para mapalabas siya sa bahay ni kuya, diba?..Ano na mga plano mo ngayon?
Kris: Sila yung may gusto ng privacy diba?
Boy: That's right.
Kris: na sinasabi mo na pwede lang sana ng may privacy
JB: ah, joke lang po yun, yun na nga po, alam po namin na walang privacy
Kris: Ok lang naman mag-kiss diba?
JB: ok lang naman po
Kris: oh, so?
JB: I choose not to lang po kami ni say na mag-french kiss po sa loob ng house
Kris: Ikaw naman, napaka-graphic ng description.....o ano?
Boy: Dahil alam niyong may nanonood?
JB: Di lang po yun, dahil concern po ako kung ano yung sasabihin ng parents niya and parents ko na rin po.
Kris: Ibig sabihin hanggang smack lang talaga?
JB: Opo
Boy: Alam mo, he's honest....pero JB, may pagkakataon na nababagot ka na, napapagod ka na, ano ginagawa nyo nun sa llob ng bahay?
JB: yun po, nagkukuwentuhan lang po kami
Kris: malamig naman?..super?
JB: meron pong times na sobrang lamig po talaga
Kris: Ah ok.
Boy: Pero di mo talaga maitatago ang tunay mo na karakter at pagkatao sa tagal ng pananatili mo sa bahay...lalabas at lalabas talaga, JB.
Kris: pero mukhang pumayat ka.
Boy: oo nga parang pumayat ka nga
Kris: Di masarap ang food?
JB: (natawa) Ah yung sa gulay po....uhh...
Kris: Let's be honest..ano?...yung gulay?...what's wrong?...malabsa?
JB: Di po yun..mahiulig po ako sa gulay, Ilocano po ako..mahilig po ako sa pinacbet, dinengdeng...yung nga lang po medyo kasi kinain po namin yung gulay the whole week na...nag da-dance marathon po kami the whole 24/7, i mean sa 5 days.
Kris: pero?...bad food?
JB: no, di po.
Kris: pwede na?
JB: meron po kaming mga karne sa freezer...hindi lang po yata...naisip lang po namin i-save.
Boy: Sa tingin ba naging bahagi nuong pagiging prangka kung kaya ika'y natanggal?
Kris: or dahil sinasabi nila na may kaya naman ang pamilya mo...mas gusto nilang iboto ang nangangailangan like teacher Racquel?
Boy: ok to that question...sa pagiging prangka mo at sa pagiging may kaya mo daw
JB: Actually, siguro ganun lang po ako kung magsalita, pero wala po akong ibig sabihin sun sa mga sinabi ko, like i said po kanina sa interview po, na it's a game po na we all played..nilaro po naming siyang lahat.
Boy: the best you could?
JB: lahat namn po kami talaga, binigay namin
Boy: masakit ba na ikaw ay napalayas sa bahay ni kuya?
JB: Honestly po, hindi po masama ang loob ko na napalayas ako kasi gusto ko pong manalo...masakit po....
Boy: masakit ang loob mo kasi naiwanan mo si Say?
JB: opo

--------------------

Boy: sinabi mo bang hindi maganda si Racquel?
kris: AY!!!
JB: di ko namn po sinabi, meron po kaming ibang pinag-uusapan.
Boy: pero di mo talaga sinabi yon?
JB: ah hindi po...in general po pinag-uusapan namin
Kris: because???....why mo siya pinintasan?...or in general ano yung ayaw mo?
JB: eh, wala naman po.
Kris: Ay nag-backtrip pa ngayon!! (halatang asar kay JB..hehe)

--------------------

Boy: ano na ang plano mo ngayon?
JB: first and foremost...narinig ko po sa pamilya ko po na sobrangyung nga...hated daw po ako kasi of what i was doing inside...so siguro po talaga...
Boy: pero gusto mo ma-reverse yan?
JB: opo...pero gusto ko po talaga mag-apologize.
Boy: go ahead...mag-apologize ka.
JB: uhmm...sa mga housemates ko po at sa lahat po ng family nila...mga kaibigan and sa lahat po kayo na nanonood na na-feel nyo po o may nasabi ako na natatapakan ko yung pagkatao nyo, pasensiya na po kayo...wala naman po akong intention na i-down po kayo...Sa totoo niyan...uhhmmm...gusto ko po talaga na yung show po...kagaya po nung...gusto ko po siya maging...gusto ko po na lahat sila din i-ano nila yung emotions nila although pinakita naman nila po...uhhmm...
Boy: nagpakatotoo ka lang, JB.
Kris: he's not a sore lsoer...pero lang sandali..i have a question...how's my friend, Uma...he's ok?
JB: Si Uma po...sobrang sruch na crush na crush na crush ka niya.
Boy: eh yun naman pala eh!
Kris: crush niya ako o he wants to be me?
JB: (laughs)
Kris: o sige, i want to meet you uma.
Boy: ok, but JB, good luck!
Kris/Boy: message for Say?
JB: uhhmm..
Kris: at sa family ni Say.
JB: opo...kay say po muna...uhhmmm...kung ano man yung...alam ko mahirap yung pinagdadaanan mo diyan sa loob ngayon dahil magkasama tayo for 1 month na although sakin din mahirap rin talaga, dapat kayanin mo because i'm really really rooting for you and i really want you to win....sa family naman po...
Boy: at mag-aantay ka?
JB: definitely po!
Kris: Hala, lagot ka! pag makita ka sa labas na kung sinu-sino kasama mo ha...hala ka..
JB: definitely po hihintayin ko siya
Boy: mensahe kay Sam?
JB: kay Sam naman po...uhhmm...alam ko pare..ok ka...i mean nagkakilala tayo nadalawa ng mabuti...mabait ka
Boy: pero??
JB: uhhmmm...
Boy: Go ahead..
JB: ok lang kung gusto mo maging close kay say. pero SA AKIN SIYA! (joke lang daw)
Kris: ok...sandali..Boy, napansin lang ni tita Christy...titig na titig ka daw kay JB...bakit??
Boy: alam mo kasi...matagal kong pinapanood si JB...iba ang kanyang personalidad pagnakikita mo sa ng malapitan kesa napapanood mo lamang sa telebisyon...katulad ng maraming nanonood, JB, meron din akong impreyon na para namang napaka-prangka naman nito...sinasabi lahat ang kanyang gusto, yun pala talagang nagsasabi siya ng totoo..
Kris: so...gusto mo siyang i-manage?
Boy: mapapag-usapan yan
Kris: Gusto mo bang magpa-manage kay Boy?
Boy: sabihin mong mapapag-usapan yan...wag mo akong hiyain...isa na lang...ano ang pinakmahalagang leksiyon ang natutunan mo sa bahay ni kuya?..bilang huling tanong..
JB: ang pinkamahalaga po sa lahat, natutunan ko po na di lahat ng nararamdaman natin at gusto nating gawin ay pwede nating gawin kasi hindi natin alam na nakakasakit na siya sa ibang tao...so..yun po.
Boy: You have to respect the feelings of others.
Kris: Ganda non, Boy...it's true.

----------------------
The pictures and transcript were borrowed from ching of the ABS-CBN forum

0 Comments:

Post a Comment

<< Home